Tokwa’t Baboy Recipe
Tokwa’t Baboy Recipe
Ingredients
- 1 kilong baboy
- 3 pirasong tokwa
- 1 ulo ng bawang tinadtad
- ½ tasang suka
- ½ tasang toyo
- ¾ kutsaritang asin
- 2 sibuyas
- 1 kutsarang mantikang Wesson
Instructions
- Hiwaing pakudrado ang baboy. Ilagay sa kaserola. Lagyan ng asin at tubig. Pakuluin sa atay-atay na apoy sa loob ng ilang minuto at itabi.
- Sarsa:
- Ilagay sa mangkok ang suka, bawang, toyo at mantikang “Wesson”. Ilagay ang buong baboy sa kawali at prituhin hanggang mamula. Isama ang tokwa. Ilagay sa platong pandulot.
- Ibuhos ang sarsa sa ibabaw. Palamutian ng sibuyas. Idulot nang mainit.
Post a Comment